Supalpal! Netizen inisa-isa ang mga dahilan kung bakit dapat i-credit kay Duterte ang Manila Bay clean up




Image from Noel Sarifa's Facebook post



Isang netizen ang nang supalpal ng mga di umano’y mga nagsasabing matagal nang may clean up drive sa Manila Bay kaya hindi ito kailangang gamitin para sa publicity, lalo na hindi dapat i-credit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa viral na Facebook post ng netizen na si Noel Landero Sarifa, dapat daw ‘lawakan’ ng iba mag isip at tanggapin na ang pangulo ang dahilan kung bakit malaki ang pag babago ngayon ng Manila Bay.



Nilitanya ni Sarifa ang mga dahilan kung bakit dapat i-hype at bigyan ng credit ang pangulo, narito ang kaniyang mga sinabi:


- Unang-una si Sec Cimatu na Cabinet Sec. ni Duterte ang nagsuggest na i-rehabilitate ang Manila Bay ( take note! REHABILITATE! Hindi One day Clean up drive!)

-Ang Duterte Administration lang ang nag-allocate ng 47BILLION Pesos para sa rehabilitation project that will last for 7 Years!

-Pres. Duterte threatens closure of establishments polluting Manila Bay( at may nasampulan na 15 Factories sa Bulacan, 3 Resto, Manila Zoo, etc)

- Budget for the Manila Bay rehabilitation program is approved by President Duterte.

- Kakaiba ang Clean-up drive na nangyari noong January 27,2019 kesa sa mga naunang clean-up drive, aside sa 5000 Volunteers sa Manila Bay along Roxas Boulevard, Nagsagawa din ng Clean-up Drive sa Cavite, Bulacan, Pampanga at Bataan! Kaya kailangan talagang i-hype kasi Historical! Ngaun lang nangyari yan!Hindi Kami Bobo para sabihing ang Manila Bay ay hindi lang sa Roxas Boulevard, malamang Manila BAY nga di ba? Tinawag ba itong Roxas Boulevard Rehabilitation? Sinong tanga?



- DENR ordered establishments around the bay to put up their own sewage treatment plants. Only now that DENR conduct thorough inspections with establishments near MANILA BAY.(Take note 
MANILA BAY hindi ROXAS BOULEVARD!)

- The plan for Manila Bay’s rehabilitation was initially ordered by the Supreme Court in 2008 but it was never materialized until now! So ano ginawa ng previous admin sa order na yun pinatulog ng sampung taon?

-There are 178 LGUs and 5,714 barangays inside the Manila Bay Watershed Area through DILG Memorandum Circular No. 2019-09 released on January 24, 2019 were odered to "fulfill their roles and responsibilities pursuant to environmental laws that contribute to the rehabilitation of Manila Bay." and conduct weekly clean-up drives. ( Hindi Concentrated sa ROXAS Boulevard hindi sila magkakasya dun!)

-The rehabilitation has 3 Phases: cleanup and water quality improvement; rehabilitation and resettlement; and education and sustainment. Start pa lang ng Phase 1 kaya wag atat! Sa tatlong Phase na yan walang binanggit na reclamation! (Parang Boracay - Casino issue part 2?😂😂)


Kaya sa mga nagsasabing wag ipoliticized? Ngekngek nyo! Political will ni Duterte ang dahilan kaya nagawa eto, di pa ba sapat ang nangyari sa Boracay para lunukin nyo mga pride nyo? Madami pa akong hindi na mention but I guess I stated my point. Give Credits to whom it is due, yong ibang epal dyan tirahin nyo! At sana bago kayo magreklamo, mamulot din kayo ng basura sa MANILA BAY!


Post a Comment