PCOO official to media: 'Pinagpiyestahan ang kwento tungkol sa maid ng pangulo, dedma sa pinakamalaking bigayan ng lupa sa magsasaka'



President Duterte hands a Certificate of Land Ownership Award to a lumad in Kidapawan City in North Cotabato on Saturday / photo from Philstar


Social media personality, doctor and Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy expresses great dissappointment to the media for allegedly ignoring a much more important news.

On her recent Facebook post, the PCOO official lamented that instead of highlighting the thousand farmers who were awarded with land titles in Kidapawan, the media feasted on the alleged 'confesion' of the president about their maid.


"Kaninang umaga gumising ako sa balitang pinagpipyestahan ng media—kasama dito ang Western media—ang ating Pangulo dahil doon sa kwento na sinabi nya sa Kidapawan tungkol sa kasambahay nila nung sya ay isa pang menor." Badoy wrote

"So hindi pala talaga pinansin ang tutoong balita: na lampas anim na libong mga magsasaka ang nabigyan ng 11,443 hectares ng lupa." she added

The doctor also made a very striking comparison between the Aquino and Duterte administration when it comes to taking care of the farmers.

Read her full post below:


Kaninang umaga gumising ako sa balitang pinagpipyestahan ng media—kasama dito ang Western media—ang ating Pangulo dahil doon sa kwento na sinabi nya sa Kidapawan tungkol sa kasambahay nila nung sya ay isa pang menor.

(Na-interview din ako ni Atty Bruce Rivera, Atty Jess Falcis at si Maeanne Los BaƱos sa radio tungkol dito.)

So hindi pala talaga pinansin ang tutoong balita: na lampas anim na libong mga magsasaka ang nabigyan ng 11,443 hectares ng lupa.


Isang makasaysayang pangyayari ito at ito na ang PINAKAMALAKING bigayan ng lupa sa PINAKAMARAMING mga magsasaka sa kasaysayan ng repormang pansakahan sa ating bansa.



At hindi ito ang kauna-unahang bigayan ng Certificates of Land Ownership Awards (CLOAS).


Hindi ho maliit na bagay na ang mga binigyan ng lupa ay mga magsasaka na mga taga-Kidapawan.

Naalala nyo ba yung mga pinat*y na mga magsasaka ng Kidapawan wala pang tatlong taon ang nagdaan, nung panahon ng pinakawalang kwenta na atang Pangulo na nagdaan sa bansa natin—si Noynoy “Dota” Aquino?

At naalala nyo ba kung bakit sila pinagbabaril at pinagpp*tay?

Pinagpp*tay sila kasi nagmamakaawa silang bigyan sila ng bigas ng gobyerno at gutom na gutom sila. Pero ano ang binigay ng gobyerno ni Noynoy? BALA!

Ok, in fairness naman kay Noynoy, hindi bala agad-agad.

Binigyan muna sila ng bigas: TATLONG KILO na dapat ipagkasya nila ng TATLONG BUWAN. 

Therefore, isang kilo bawat buwan. Kaya nyo yon?? Ibong pipit pala ang tingin ni Noynoy sa kanila.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang madilim na yugto na yon ng Pilipinas. Parang masamang panaginip na akala ko ay hindi na magwawakas.

Pero nagwakas din at FINALLY, nagawa ng Pilipino ang iluklok sa pwesto ang isang Pangulo na ibang iba sa mga buwayang umupo bago sha. Isang Pangulo na tutoo ang puso sa atin at ipinaglalaban tayo.

Wala pang tatlong taon ang lumipas, at eto ang inabot ng Pangulong Duterte sa ating mga kapatid sa Kidapawan nung Dec 29, 2018: hindi tatlong kilo ng bigas. Hindi apat, hindi lima.

Kundi mga Certificates of Land Ownership Awards (CLOAs). Land OWNERSHIP. Pag-aari na nila ang lupang ibinigay sa kanila ng gobyerno.

Hindi na sila alipin ng mga panginoong may lupa kundi mga may-ari na rin ng lupang isasaka nila.

Pag-aari na nila ang buhay nila at meron na silang laban.

YAN ho ang balita. Hindi yung may Pangulo tayong presko ang bibig.

Alam na natin yon. Hindi naman sha nagpanggap na busilak ang bibig at nagpakilala sha sa atin ng buong buo. Alam natin kung sino itong binoboto natin.

At kaya nya kinwento yon para ipakita ang pang-aabuso ng mga paring Katoliko—isang bagay na napapanahon na nating pag-usapan. Bukas ko pag-uusapan yan. For now, focus tayo sa makasaysayang naganap sa ating Bansa sa Kidapawan.

Ang dating pinagbbaril dahil humihingi lang ng tulong sa gobyerno ay ngayon may mga hawak na mga Certificates of Land Ownership.

YAN ang balita.



Post a Comment

0 Comments