Fil-Am timbog sa baril, cocaine at marijuana sa NAIA, sasakyang ginamit pag-aari umano ni Mark Caguioa


Ginebra guard Mark Caguioa / photo from Spin.ph



Isang Filipino-American ang nasakote ng mga Airport police matapos makabangga ng taxi sa Ninoy Aquino International Airport NAIA terminal 4 dahil sa nakitang cocaine, marijuana at baril sa sasakyan na di umano ay naka rehistro na pag aari ng basketball player na si Mark Anthony Caguiao.

Ayon kay Airport police Vicente Nieves, itinimbre umano sa kanila ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer ang isang accident na kinasangkutan ng Ford Explorer na may plate number ZGP 656 na minamaneho ni Alexander Tolentino na nakabangga ng isang taxi.



Ayon sa report, nang katukin ng mga enforcer ang sasakyan ayaw umano ito buksan ng driver na tila ba ay tuliro at nagtangka pa umano itong tumakas.

Nagduda ang mga awtoridad dahil paiba-iba ang sagot ng driver at bahagya lang binuksan ang bintana ng sasakyan kaya’t ito ay kanilang pinababa at nag search sa loob at doon nga ay nakita ang baril, cocaine at marijuana.

At dahil ditto ay masusing iimbestigahan ang suspek kung bakit nasa kanya ang sasakyan ng basketball player.

Sasampahan umano ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulatory Act laban sa nasakoteng suspek.




Source: Abante

Post a Comment

0 Comments