Wednesday, August 22, 2018

Duterte: Handa ang gobyerno na bombahin ang mga rebelde



Pangulong Rodrigo Duterte / photo file ng RMN PH


Nagbanta ang pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang ipa-bomba ang mga rebeldeng komunista kung ang mga ito ay magsisimulang muli ng malakihang pag atake ng mga kampo at pumatay ng mga tao sa Mindanao.

Sa kanyang naging pahayag noong Martes sa pagtitipon ng mga mayors ng Visayas sa Cebu, sinabi ng pangulo na maraming jets pang bomba ang gobyerno na maaring gamitin upang sugpuin ang mga rebelde.

“Here in the south, I’m warning you rebels, I have many weapons. You do some fighting there, I will freely use all the jets to bomb you. And if I hurt civilians, then it’s part of the territory,” ayon sa Pangulong Duterte.



“Don’t attack camps and kill people if you start a large-scale war. I will not hesitate to bomb you. Let’s not prolong this. We will end this during my time,” Dagdag pa nito.

Nagbigay rin ng babala ang pangulo sa mga mayor na huwag makipag sabwatan sa mga komunista at huwag magbibigay ng tulong sa mga ito, sapagkat magiging kaaway umano nila ang gobyerno.

“Please do not, do not associate yourselves with the Communist Party of the Philippines. Never give them aid and never give them favor. It will be to your chagrin at the end of the day if you do that,” sabi ng pangulo.

“You will lose everything there. You will lose power over the police… If we’re going to talk, I will not be nasty, but I warn you, don’t, because they are enemies,” dagdag niya.

Naghinagpis rin ang pangulo na maraming nawalang pulis at sundalo dahil sa mga naging pag atake ng mga rebeldeng komunista na ikinasawi ng mga ito.



“A lot of my police, almost thousands of them, and the policemen and the soldiers who died. That can no longer be corrected by peace talks, peace talks,” ayon dito.

Dahil dito, winakasan ng pangulo ang usaping pangkapayapaan or peace talks sa mga rebelde noong Hunyo.

Gayunpaman, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque Jr noong Hulyo, nananatiling bukas ang gobyerno sa pakikipag ayos ng mga komunista, ngunit depende sa mga kondisyon na ibibigay ng pangulo.


 Source: Manila Times