Friday, August 4, 2017

Thinking Pinoy: CAN WE AFFORD FREE TUITION?

Here's the opinion from blogger Thinking Pinoy:



CAN WE AFFORD FREE TUITION?

Sabi ng iba, hindi raw afford ng Pilipinas ang Free Tuition for State Universities and Colleges tapos, napaisip ako, "Yung mga magulang ba, pag nagpapatapos ng anak, iniisip ba talaga nila kung afford nila o hindi ang magpa-aral?"

Hindi. Kesehodang magkautang-utang at dumugo ang talampakan kakatakbo at kakaiwas sa 5-6, hahanap sila ng paraan para mapatapos si Junior at si Nene.

In the same way, I think I wouldn't mind if we run budget deficits just to make sure that everybody gets access to education. It's high time to truly invest in our people.

Can we afford free tuition? Maybe yes, maybe no. But does it matter? No. It doesn't.

WE GOTTA GET AN EDUCATION WHETHER WE CAN AFFORD IT OR NOT.

Note, however, that I am more for giving free education to those up to the lower middle class, i.e. taasan lang ang bracket ng socialized tuition, instead of a blanket "Ole! Ole! Ole! Libre lahat!".

Surely, the scions of the Tans, the Gokongweis, and the Zobel de Ayalas wouldn't mind.

Even the scions of the feeling Tans, feeling Gokongweis, and feeling Zobel de Ayalas, wouldn't mind either.

With that said, suportado ko ang free tuition for SUCs, lalo na roon sa mga SUCs sa mga probinsiya. Sa UP, hindi masyado kasi puro mayayaman doon.

Pero sa probinsiya, yung mga estudyante ng SUCs ay karaniwang nagmumula sa mga pinakamahihirap na sektor ng lipunan. Sila ang mas may kailangan ng tulong ng pamahalaan.

Tingnan niyo lang yung Bulacan National Agricultural State College (BUNASC). Halos puro mahihirap ang nag-aaral doon. Yung mga kalaro ko kasi nung bata ako, doon nag-aral. May mga anak ng magsasaka, ng tricycle driver, ng balut vendor, ng tindera sa palengke, etc.

Sila ang tunay na may kailangan ng tulong, hindi yung mga burges sa Diliman.

PERO PERO PERO, kung papipiliin ako sa pagitan ng kasalukuyan at ng blanket na free tuition, madali lang ang sagot:

FREE TUITION.

Kaya salamat, Pangulong Rody Duterte: nagawa mo ang hindi nagawa ng lahat ng dumating bago sa iyo.