Friday, August 25, 2017

Mga batang drug runner mas ginagamit ng mga supplier, noon pa man bago si Pangulong Duterte

Ang panayam ni Dindo Flora ng News5 kay alyas Darwin 



Sa isang interview ng News5 Aksyon, idinitalye ng isang drug runner na menor de edad ang kanyang nagging trabaho bilang isang drug runner na mahigit umano sampung taon niyang ginawa at naging trabaho.

Ngunit simula umano na nagging president si Pangulong Duterte ay tumigil na siya, dahil napatay na rin ang iba niyang mga kasama.

Inamin ni alyas “Darwin” na mas gusto ng mga supplier na bata ang mga courier dahil di mainit sa mata ng mga pulis.

“Yun kasi kinukuha nila para madaling turuan eh. Para di sitahin, minor nga po eh.” Ayon kay Darwin.

Ang nagudyok umano sa bata na pumasok sa ganong trabaho ay ang libo-libong kita sa pagdadala lamang ng drugs.

“dahil sa pera, malaking pera kasi kaya nainganyo ako sumama dyan” sabi ni Darwin.

Idinitalye rin ni Darwin sa News5 Aksyon ni Dindo Flora ang kanyang mga technique sa pagdedeliver ng shabu.

“Minsan sa pampers, minsan sa gulong sa interior, minsan sa ano sa basura o di kaya sa bigas.. ganun kaya lumulusot yun.” Detalye ni Darwin.

At kapag may gamit naman na tricycle o motor ay gumagamit siya ng magnet at iniipiit ang nakaplastic na shabu sa ilalim ng upuan o sa sidecar ng tricycle.

Iba rin daw ang istilo kapag maramihan ang deliver ng drugs,inilalagay umano niya ito sa interior at ipapa-vulcanize ang gulong ng bike.

Maraming beses na rin daw siyang nahuli ng mga pulis, ngunit nkaka labas matapos mapiyensahan ng kanyang amo na umuwi na sa probinsya.

Sabi ni Darwin, hihinto na rin daw siya kesa mapatay sa war on drugs ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim pamumuno ni Duterte ay naging maigting ang kampanya ng kanyang administrasyon laban sa droga. Lumitaw rin na hindi na bago ang ganitong sitwasyon na kung saan ay mga menor de edad ay nagiging tagapag deliver o courier ng ipinagbabawal na gamot.

Source: