A doctor who's been openly crushing on the president appealed not to remove his photo from her office

DSWD Assec Lorraine Badoy (on her desk is the photo of her and Duterte) / photo from her Facebook post (ctto)


A funny letter from one of the president's number 1 fan. Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary, Dr. Lorraine Marie T. Badoy has been crushing on President Rodrigo Duterte. 

Here's one of her funny and cute post about his Digong in response to the latter's instruction to remove his photos in government offices.

"Coffee break time

Digongmylabs, is it true what I've heard? That you've disallowed your photos in government offices?
Say it isn't so hunnybunnyluv 
Pano pag pagod na ako at gusto ko na umuwi, titignan ko lang yang photo mo, at naaalala ko kung pano ka kumayod-kabayo para sa bayan at nahihiya ako bigla. Napapaupo ako sabay trabaho uli.

Tapos pag asar na asar ako sa bumabatikos sa akin (tulad ng super gandang donkey na yan, sarap tukmulin eh) dahil pro-Duts ako tapos gusto ko na bumalik sa pribadong buhay kung saan pwede ako makipagbasag-ulo na walang humpay hahaha (actually, hanggang ngayon pa naman. Di lang nila mashadong pansin. 😂😂😂 ninja moves), tinitignan ko mukha mo.

Tapos naalala ko-- kung 100 times ang pangba-bash saken, mga 48million times yung sayo. Pero kebs ka lang. So kebs din lang ako. Trabaho trabaho lang. Gaya gaya lang sayo.

Tapos pag naiisip ko yung beach at ang buong mundo na pwede kong ilamyerda kasama ng mga hunnybunnyluvies ko--husband, kids, furbabies--na mga ten million years ko nang hindi nagagawa, titignan ko lang tong litrato where you have your arm around me, solid resbak style, at naalala ko grabe din sakrispisyo mo na hindi mo nakikita mga hunnybunnyluvies mo.

At pag naalala ko yon, ginaganahan na naman ako magtrabaho.

Eto pa. Pag may hater ka na pumupunta sa office ko at nakikita photo natin, tuwang tuwa ako kasi para silang nakakalunok ng giant buto ng santol tapos na-stuck sa mga lalamunan nila. O di kaya parang nasasampal sila. Pait pait ng mga mukha nila sabay sulyap nang sulyap sa litrato natin.

Tuwang tuwa talaga ako. Inaantay-antay ko lang na ma-heart attack sila sa harapan ko. Malapit lang ang Heart Center dito so ok lang.

Galing galing mong lider.

Inspirasyon ka sa napakarami naming nasa team mo-- mula mga kawani ng gobyerno hanggang sa mga pribadong mamamayan. (Yung wala sa team mo na nasa gobyerno--mga solid zombies ni Dinkydoo for example, yung mga nanabotahe sa amin, don't worry. Magkakapigsa na sila sa mga pwet nila. Napanalangin ko na.)

So pls don't touch this photo, Digongmylabs.

Ipagbawal mo lang don sa mga sipsip at isip-epal. Wag sa mga tulad ko na kumukuha lang ng direksyon at inspirasyon sa isang napakahusay na Pangulong tulad mo. Na masayang magsilbi sa Bayan sa pamumuno mo kasi kitang kita ang husay at ang pagmamahal mo sa Bayang mahal din namin.

Wah. True love diba, mga kababayan? Can you feel the love?"



Post a Comment

0 Comments