Duterte: NAIA i-takeover ng Air Force ‘pag hindi umayos'



President Rodrigo Duterte / photo from Inquirer


Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapahawak niya sa military ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kapag walang naging pagbabago sa operasyon nito.

Sa kanyang talumpati sa Puerto Princesa, Palawan noong Huwebes ng gabi, sinabi ni Duterte na lalagyan niya tauhan mula sa Phi­lippine Air Force (PAF) ang NAIA dahil ito lang aniya ang paraan para maging maayos ang nasabing paliparan.



“‘Yang NAIA na ‘yan pag hindi kayo na-improve diyan, mag-takeover diyan Air Force. ‘Yan lang ang paraan diyan,” ayon sa Pangulo.

Ayon sa ulat ng Abante, nakatakdang isailalim sa rehabilitasyon ang NAIA pero wala pa umanong linaw kung kalian ito masisimulan dahil hindi pa nagkasundo ang gobyerno at ang consortium na gagawa ng proyekto.

At kabilang din sa planong rehab ang capacity expansion ng NAIA para makapag accommodate ito ng 65 milyon na mga pasahero, pagdaragdag ng runway, taxiway, passenger terminal at iba pa.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Pilipino na problema talaga ng paliparan ng NAIA ang congestion, idagdag pa ang nakawan ng laman ng mga bagahe, tanim bala at iba pa. Kaya naman nagbanta ang pangulo na makakatikim ang mga gumagawa ng di maganda kapag naulit pa ang mga nasabing insidente.



Source: Abante


Post a Comment

0 Comments